HARAYA101
Unang beses pa lamang kitang nakita
ay hinangad hangad na kaagad kita.
Sa taglay mong kurba at kinis ng kutis,
sino nga ba ang hindi makakapansin sa iyong ganda.
Ngunit paano nga ba kita maaangkin
kung ika’y nasa itaas at ako nama’y nasa ilalim.
Dapat nga yata ay pakinggan na lamang ang payo ni Ina,
sambit niya, “Hintayin mo na lang mahinog yan!
upang makita at malasap ang tunay na rikit ng mangga!”
:)
eto ang unang sinulat ko sa subject kong filipino na nakakuha ng perfect score, haha kaya naisip kong ilagay dito. Ang haraya, ay isang tula na may kakaibang pagtatapos, tulad dito, sa umpisa ay aakalain mo na patungkol ang tula sa isang babae, yun pala e tungkol lang pala sa isang manggang pahinog pa lamang na nasa itaas ng puno. haha.
@9 months ago#text